Friday, April 3, 2009

ha(ra)iku uno: hayup, kumbaga!

ang asong bulol
akay-akay ni tatay
humahagulgol

ang ingay nitong
patong putak ng putak
tuloy nadulas

napariwara
itong baboy sa dampa
palaboy laboy

kibit-balikat
itong kuwagong kirat
kindat ng kindat

kanyang kawangis
ibong nakatihaya
patay-patayan

ang pusang gala
hayan na't paririto
lagot ka birdie

habang si unggoy
humahagikhik, ik, ik!
saka pumanhik



###

No comments:

Post a Comment